Dahil wala namang kwenta ang friendster blog, kadalasan ay mga walang kwentang post lang din ang nilalagay ko dito.
Walang pinagka-iba ang post na ito.
Bago ko ayusin ang paglilinis ng bahay kailangan ko lang i-organize kahit papaano ang isip ko para mahatak ang paa ko pababa sa lupa at tumigil sa pagiging ilusyunada.
Tungkol ito sa KANYA formerly known sa kaunti na LUNES at sa mas marami ngayon, RED APOL at di nagtatagal nagiging SIYA na lang. Ibig sabihin, medyo delikado na.
Kailangan ko itong ibulgar sa accidental audience dahil ang maganda kong bestfriend ay wala ng oras para sakin (joke lang neri, *hugs* gago ka!). Basta ganun, tsaka kahit nasabi ko na to ke Maribeth kagabi, meron pang mga di nasabi at ergo, natitira sa sistema kaya kelangang itae na.
Ang sakit kasi ng ulo ko kahapon. Hindi lang naman dahil sa KANYA lang, dahil siguro matagal na akong di nakikipag-usap sa maraming tao at hindi na sanay ang utak ko kaya kahapon, sobrang napagod na ang utak ko. As in, kahit pagbabasa ng libro ni Pratchett ay di nako maka-focus.
Pero isang malaking parte nga siguro dahil sa KANYA.
Tang-ina. Ewan ko ba. Sakit talaga sa ulo. Tapos lagi pang tatanungin ng mga tao kung bakit ko siya gusto. Tas isasagot ko "Hindi ko alam!" with matching malalim na paghinga pa yan. Eto lang naman reaksyon nila, either:
1. "Anong hindi alam? Pwede ba yun? Hindi alam! Imposibleng hindi alam!"
2. "A, kapag ganyan. Ibig sabihin, mahal mo na."
AAAAAARRRRRRRRRRGGGGGGH.
Mga mahal ko sa buhay, vina-value ko ang opinyon niyo pero
AARRRRRRRRRRRRGGGGGGGGH.
Look, ganito lang. Hindi ko po siya mahal. Imposibleng mahal ko siya. She’s just the bloody thorn on my bloody side. Kung mahal ko siya e di niligawan ko na siya. Napaka-impatient ko pa namang tao. At hindi ko rin alam kung bakit gusto ko siya. It may be something physical or whatever pero kelangan bang dahil sa maputi siya, etc? (hindi siya maputi) O, ganto na lang. Dahil cute siya. Astig siya. Kahit na sobrang disagree ako sa karamihan ng prinsipyo niya, hinahangaan ko siya.
Dahil interesting siya.
(I just realized that my brother is on my friend list. Yeta ka, pag binasa mo to at nagsalita… alam mo ang kademonyohan ko, at mga issues na kaya kong halungkatin o gawin kaya shaddap!)
Eto na. Eto na ung history.
Nung naghihintay sa interview para sa kurso ko, SIYA yung unang-una kong napansin na interviewee. Sabi ko sa sarili ko na ito yung gusto kong kaibiganin sa UP. Lalapitan ko na sana siya kaya lang kinausap ako ng isang babaeng medyo naging sikat sa aming block (hahahahaha) at kinausap na ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ayon. Di ko tuloy siya nakausap.
Insert time here. Nakikita-kita sa tabi-tabi pero what the hell, doesn’t mean anything,
Hanggang sa naging classmate ko siya sa isang subject, freshman second sem. Ayon, classmate siya, doesn’t mean anything. And I forgot to mention, at about this point, kaka-over ko pa lang sa isang medyo mabigat ring infatuation nung highschool (which seems like ages ago…). And about this point, nagkaresolution ako sa sarili ko na no more infatuations. Everything was going well, hanggang
sa ma-late ako at siya yung nakatabi ko and hindi siya nakikinig sa prof non at nagdro-drowing ng stick figures at kawirdohan and then BAM! I have a crush on her. Na-realize ko na lagi ko siyang napapansin ever since, kaklase man o hindi tas kinilig ako nung nakatabi ko siya. So bam talaga. Me crush ako sa kanya.
Eto yung stage na masayang crush. Gusto mo lang ifriend yung tao, etc. Bale sa puntong ito, dito napatunayan ng bestfriend ko kung gano ako ka-stalker. As in, kinareer talaga, men. Madali lang naman e. (Lalo na kung schoolmate siya nung HS at crush din siya dati ng isa mo pang bestfriend.) Kausapin lang. Alamin kung san tumatambay at ilang mga klase. Tas madali ng gumawa ng paraan na parang natural na lagi kang nandun kung nasan man siya. Paglilinaw, wala naman akong balak na kung ano sa kanya non(yeta! meron na ngayon??? haha). Gusto ko lang talaga siya i-close. Sobrang ang saya-saya ko kapag nakakausap ko siya. Dami-daming kawirdohan and bonus, dahil medyo loner siya ang dating niya, mas madali talagang karirin at angkinin. (tang-ina, I sound like someone icky!)
(note to self: study curses in different languages aside english… para hindi masabihang mabaho ang bibig.)
Anyway, successful naman. Nakatulong na naging kaklase ko pa siya sa marami pang subject at alam ko agad ang likod niya kahit ilang kilometers away pa yan. Tested and Proven. Kahit na supposedly, nagpagupit or pumayat at lahat ng kachurvahan na nagbago sa kanya habang wala ako sa UP for almost one year at minsan lang ako sumulpot, alam ko agad ang likod o sideview niya. Tested and Proven. Pramis.
Me mga importanteng moments na hindi ko naman pwedeng idetalye ang kwento dahil kapag nabasa niya na to, sobrang obvious na to the nth degree na siya yun pero medyo malakas naman ang loob ko dahil wala siyang friendster, haha. Basta, nagkaron ng punto na hindi ako pumasa sa "cool test" niya. Alam at nasasabi ko to dahil natuwa naman siya sakin nung umpisa at siya pa nag-iinitiate na "magkasama kami" pero pagkatapos ng "cool test" aba, biglang wala ng pakialam sakin.
Not saying di ko na siya kaibigan, pero hindi na siya interested sakin (not talking about romance of course).
Anyway pag-umabot ka na sa puntong, nakakasama mo siya at kapag umalis siya at biglaan na lang mahihigop ang buong enerhiya na katawan mo, ano ang susunod?
Ang susunod ay kapag may simpleng supposed meeting lang kayo at na-stood up ka at maluluha ka na dahil lang sa isang maliit na bagayna ito.. at pagkatapos?
Pagkatapos ay marerealize mo na ooops, ibang level na to. Pipigilan mo na ang sarili mo na makasama siya.
And then makakasama mo siya tas lagi mo na siyang kinokontra ngayon, sa ibang level, as in pinepersonal mo na masyado ang buong diskusyon dahil lang sa sobang magkaiba kayo pero lagi mo pa rin naman siya makakasama. O gagawa ng paraan para makasama siya.
And then kapag halos bumabaksak ka na at nag-assign na ng coach ang prof mo sayo at hindi ka naman nakikinig sa mga coach mo dahil kaklase mo siya at masyadong busy ang utak mo sa pagpigil na isipin o tignan siya kaya hindi mo na makayanang makinig.
Bumagsak nga ako (in some sense, pero hindi lang naman dahil sa kanya, exaj na pathetic naman yun) kaya nawala ako sa school for a loooooooooooong time. It helped in a way because I was busy being too depressed kaya when the time came that I would see her again, natakot ako na baka malakas na naman ang tama.
Nasurprise ako na hindi. Ang weird. As in wala yung past impact niya. Nagtaka ako. Lalu na medyo accepted niya na ang pagtutulak ko sa kanya (wth? medyo flirt rin siya…) at me iba pa siyang gusto at wala akong naramdamang pagseselos. Ang gulo. As in wala akong pakialam.
Of course, or so I thought. E kung wala akong pakialam bat siya pa rin lagi yung nakwekwento at naiisip, etc?
So, magulo, yeta.
Anyway, sabi ng friend ko, I overthink too much kaya tae lang din ang lumalabas. At kung binasa mo to from start to finish, pasensiyahan tayo. Haha. Walang ending ang post na to. Kelangan ko lang talaga mag-release e. Masyadong busy kasi ang mga kaibigan.
Ang post na ito ay para makapag-salita lang ako ng salita hanggang maubusan ng sasabihin. Para lang mailuwa na ang nastuck na obsesyon moment ko dahil kahapon nakita ko siya at me impact kasi ang ganda/gwapo niya e! Pero dahil sa post na to, medyo okay na ako.
Haaaaaaaay.